Pagsukat sa Iyong Pananakit
Isang iskala para sa pananakit ang makakatulong sa iyo na tukuyin ang tindi ng pananakit. Sa iskala, ang kahulugan ng 0 ay walang pananakit, at ang 10 ang pinakagrabeng pananakit. Ang mga iskala ng pananakit ay hindi ginagamit upang ikumpara ang iyong pananakit sa nararanasan ng ibang tao. Ang iskala ng pananakit ay ginagamit lamang upang sukatin kung gaano nagbabago ang pananakit para sa iyo. Dapat mong sukatin ang iyong pananakit kada ilang oras. Maaari kang makaramdam ng pananakit kahit na umiinom ng gamot. Mahalaga na sabihin sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung hindi nababawasan ng gamot ang pananakit. Tiyakin na mabanggit kung ang pananakit ay biglang lumala o nagbago.
Online Medical Reviewer:
Cyriac, James, MD
Online Medical Reviewer:
Moloney Johns, Amanda, PA-C, MPAS, BBA
Date Last Reviewed:
5/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.